Wednesday, June 22, 2005

Lung Center

ito ang pulunganng usok
na hindi maibuga
sa mga sulok
ng giniginaw
na palapag.
ang tagpuan
ng sabik
ng kaba
ng inip
ng lungkot
ng malas
ng inis.
espasyong
dumirinig
sa alingasngas
sa bungisngis
sa tamis ng tawa'ttagumpay.
saksing kumukupkop
sa mga pagbulong
sa inindangsakit at paitna dulot ng
pamamanginoon.

(Lung Center -- katawagang ikinapit sa paboritong smoking area ng mga call center employees sa RCBC Plaza.) featured in the Philippine Daily Inquirer Youth Section

1 Comments:

Blogger kai said...

bwahhahahaha!!!!
lung cancer daw!!!! :p

7:21 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home